Lunes, Hulyo 18, 2016

Kultura, Paniniwala, at Pagpapahalaga ng Pagiging Mamamayan na Asyano



 
Ang pagiging mamamayang Asyano ay dapat pahalagahan, Dahil ang bansang Asya ay mayaman sa Kultura, Historya, Paniniwala at Likas na Yaman. Dapat itong bigyan dangal at maging makabayan. Sapagkat bilang isang Asyanong mamamayan ikaw ay isang tao a nanggaling sa bansa na makulay at masining ang kultura at magrasya ang paniniwala





Kultura







Ang pagiging Asyano ay tunay nga namang maipagmamalaki sa buong mundo dahil sa mayaman na kultura at paniniwala ng mga bansang nabibilang sa kontinenteng ito. At bilang isang Pilipino na mamamayan ng Asya, masasabi na kung kultura at paniniwala ang pinagbabasehan ng pagiging mayaman ng isang bansa ay siguradong isa na ang Pilipinas sa nangunguna dito. Pagkat alam naman natin na sa mga tradisyon pa lamang ay may ipinagdiriwang araw - araw sa iba't - ibang bahagi ng bansa. Ang kultura ng Asya ay ang kabihasnan ng tao sa Asya. Tinatampok nito ang iba’t ibang mga uri ng pamanang pangkultura ng maraming mga kabansaan, mga lipunan, at mga pangkat etniko ng rehiyon, na nakaugaliang tinatawag bilang isang kontinente magmula sa pananaw na Kanluranin hinggil sa Asya. Ang rehiyon o lupalop ay mas pangkaraniwang hinahati sa mas likas ng mga kabahaging rehiyon na pangheograpiya at pangkultura, kabilang na ang Gitnang Asya,Silangang Asya, Timog Asya (ang “subkontinente ng India”), Hilagang Asya, Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Sa heograpiya, ang Asya ay hindi isang namumukod tanging kontinente; sa kultura, mayroong kakaunting pagkakaisa at karaniwang kasaysayan para sa maraming mga kultura at mga tao ng Asya. Ang sining, musika, at lutuin, pati na panitikan, ay mahahalagang mga bahagi ng kulturang Asyano. Gumaganap din ng isang pangunahing gampanin ang pilosopiya at relihiyon, na kinabibilangan ng Hinduismo, Taoismo, Kompusyanismo,Budismo, Kristiyanismo at Islam; ang lahat ng mga ito ay may pangunahing mga gampanin. Isa sa pinakamasasalimuot na mga bahagi ng kultura ng Asya ay ang ugnayan sa pagitan ng mga kulturang nakaugalian at ang mundo ng Kanluran. Ang kultura ay salamin ng ating bansa kung kaya't sa bawat kultura na ating ginawa ay mapapansin ang bawat butil o katiting na guhit sa ating bansa. Marami tayong iba't ibang kultura at kasaysayan mula sa iba't ibang parte ng Asya. Ngunit ang iba sa mga mga kultura ay hindi man naalis o nakalimutan at may mga nadagdag na pagbabago.


 


Paniniwala





Ang mga paniniwala nman natin ay talagang hindi nawawala anumang oras. Sa relihiyon pa lang natin ay may kanya - kanyang paniniwala ang mga pangkat ng tao kaya naman napakarami nang relihiyon ang bumubuo sa Pilipinas. Pati na rin ang mga pang - araw - araw na paniniwala na tinatawag nating pamahiin ay tunay namang pinapahalagahan din ng iba. Ang paniniwala ng mga Pilipino ay nakuha pa noong sinaunang panahon at pinasa sa bawat henerasyon. Ito ay pinapanagutan rin ng siyang naniniwala dito. Ilan s amga tampok na pamahiin na kadalasa’y sinusunod nating mga mamayang Pilipino ay ang mga sumusunod:


  • Bawal magbunot sa gabi



  • Bawal maggupit kapag gabi

  • Bawal magwalis kapag may patay


  • Pag sabi ng tabi-tabi
     
     

    Pagpapahalaga

  • Isa ka ba sa kasapi ng mga Asiano? Alam mo ba kung ano ang mga katangian ng mga Asiano? Para sa amin, konti lang pero nakikita namin sa bawat tao na nasa aming paligid. Ang Pilipinas ay kasapi ng mga Asyanong bansa. Napapansin namin sa mga telenobela at sabi-sabi ng ibang mga tao, na yung nasa ibang bansa ay nagpopokus lagi sa kanilang mga trabaho, may tatlo hanggang limang trabaho ang kanilang pinanasukan araw araw. Malalaki ang kanilang sweldo sa isang buwan ngunit malaki rin ang ibabayad ng buwis. May malalaking gusali at napaka high-tech and kanilang lugar.
  • Halos lahat ay mayayaman kaunti lamang ang mahihirap. Mauunlad ang kanilang mga bansa kaya may ibang mga Pilipino na nangangarap na magkatrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa kanilang pamilya. Pero napapansin mo ba ang kakaiba sa ating bansa na wala sila? Kahit mahihirap lamang ang ibang mga Pilipino, nagkakaroon tayo ng pagmamahal at malapit sa ating pamilya. Inaalagahan natin, minamahal ang ating mga magulang ngunit sa ibang bansa ilalagay na lamang nila sa Home for the Aged. Ang mga Pilipino ay may katangiang ngumiti dahil sa tayo magiliw na tao hindi gaya ng ibang bansa na walang oras ngumiti dahil sa seryoso sa kanilang gawain araw araw. Kaya maraming mga tao doon na namamatay ng maaga, walang kaligayahan sa kanilang buhay at naghahangad ng saya dahil sa wala silang oras na mag-aksaya ng panahon para sa kanilang buhay.
  • Kaya kahit hindi maulnlad ang ating bansa, ipinagmamalaki ko parin ang ating bansa dahil sa tayo ay may katangiang tumulong, may pagmamahal sa ating pamilya at pagiging makatao sa ating kapwa tao.




9 (na) komento: